Justice for All Who Are Oppressed

 

Psalm 103:6
The Lord executes righteousness and justice for all who are oppressed.

“Kay buti ng Diyos! We were set free from all our legal entanglements. After 7 years na struggle sa pag-aasikaso ng certificate ng eldest daughter ko, na– grant ng court ‘yung document that we really need. And after 25 long years, na – claim muli ng asawa ko ng kanyang real identity sa Singapore. Kasama ko ang 700 Club Asia sa mga pagbabago sa buhay ko. We had a breakthrough after Rico and Bro. Hernan prayed for me. Inaayos ng Panginoon ang magulo at maduming buhay for His name’s sake. Salamat po 700 Club Asia! Ngayon ay nagiging pagpapala din kami sa iba.”

Christian Ng

Bacoor, Cavite

 

“Nagpapasalamat ako sa ating Panginoon sa katugunan sa aking panalangin. Noong Linggo ng madaling araw, hinuli ang anak ko na si Mateo Ondeo, kumuha daw ng gamit sa sasakyan. Nakita sila sa CCTV. Pero ang totoo, hindi s’ya kundi ‘yung kaibigan lang n’ya. Ang anak ko ang ikinulong at hindi ‘yung kaibigan n’ya. Itinawag ko ito sa Prayer Center noong Martes, May 11, 2015 upang ihingi ng panalangin. At ngayon, nagpapasalamat ako sa Panginoon dahil nakalaya na s’ya ngayon. Lumapit kami sa DSWD kanina at natulungan kami. 5 days s’yang nakulong at ngayon okay na s’ya .”

Linda Jonde

Villaurel Arminda, Manila

 

“Salamat sa Diyos dahil sinagot ni Lord ang panalangin namin. Panay-panay ang pagtawag ko d’yan. Pinag – initan ang anak kong si Rochelle sa Dubai ng mga ka – trabahong Indiano at Indiana na may maling relasyon. Dahil sa takot na isusumbong n’ya ang mga ito, ginawan siya ng kwento na nag – nakaw daw siya. Salamat sa Diyos, kahapon ay dumating na s’ya. At sa susunod na linggo makaka – babalik na ulit ng Dubai pero sa iba ng kumpanya.”

Raquel Ching

Pasay City

 

“Noong November 21, natanggal ako sa pinapasukan kung trabaho. Unjustified ‘yung pangyayari na ‘yon dahil napagbintanggan ako na kasama na gumalaw ng pera. Naisipan kong tumawag d’yan upang humimgi ng panalangin. Ngayon, nag – papasalamat ako sa Panginoon! This May 21, mag – sisimula na ulit akong magtrabaho. Bumalik ako sa bangko na dati kong pinapasukan. Sinabi ko ‘yung nangyari sa akin, ganoon pa man tinanggap pa rin nila ako . Lumabas na ‘yung resulta ng imbestigasyon, wala akong kasalanan. Kaya maraming salamat sa Panginoon!”

Lindon Enorova

Davao City

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s