By His Wounds…

 

By His wounds...

 

“Nagpapasalamat ako sa Panginoon sa kagalingan ng aking anak. Halos 3 linggo na siyang may bulutong. Tumawag ako sa Prayer Center para ipanalangin ang kagalingan niya. Pina check – up namin siya sa ospital at matapos ang ilang araw, natuyo na yung mga bulutong niya. Kaya tumawag ako para magpasalamat sa ating Panginoon.”

Babes Guerero

Sto Nino, Marikina City

 

“Last August 2014, sumasakit yung ulo ko dahil sa sinusitis at madalas din akong magsuka. Noong mga panahon na iyun, nanonood ako ng The 700 Club Asia. Nanalangin si Ms. Coney, ‘Mayroong masakit ang mukha at ulo, ang Diyos ay handa kang pagalingin.’ Sinabayan ko ‘yung panalangin. Namangha ako dahil kinabukasan nawala na ‘yung pananakit. Hanggang ngayon wala na, kaya lubos akong nagpapasalamat sa ating Panginoon.”

Ariel Andrade

Tandang Sora, Quezon City

 

“Matagal na akong may sakit sa mata, sakit na halos hindi ko po matiis. Bagama’t nadadaanan ko ng madalas ang inyong programa, napatutok ako noong gabing iyon. Narinig ko ang prayer ni Ms. Felichi, ‘Mayroong isang babae na nilalagnat at sumasakit ang mata.’ Naramdaman kong ako ang kanyang tinutukoy sa panalangin kaya sinabayan ko ito. Kinabukasan, nakaranas ako ng kagalingan. Mula noon ay lagi na akong nanunuod ng inyong programa at isinasama ko na ang aking nanay at kapatid sa panunuod nito.”

Rea Abordo

Valenzuela City

 

“Ngayon lang ako naka – tawag, nagpapasalamat ako sa Panginoon.

Last year, madaling araw ng November 15, tumawag ako sa Prayer Center. Hindi ako mapalagay dahil kinabukasan ang schedule ng operation ko sa may loob ng tenga. Kinakabahan ako at hindi makatulog kaya tumawag ako sa Prayer Center para ipag-pray ito. After naming manalangin, naging payapa ‘yung kalooban ko at nakatulog ako ng maayos. Salamat din, noong isinalang ako sa operating room naging smooth naman ang lahat. Naging matagumpay ‘yung operation na tumagal ng 3 hours. Isa pa sa ipinagpapasalamat ko sa Panginoon, nakalabas kami ng November 17. May ginamit ang Panginoon para tulungan kaming bayaran ‘yung bill. At ngayon magaling na ako. Nagbalik na ulit ako sa trabaho.”

Grace Canoy

Caloocan

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s