His Faithful Love Endures Forever

Psalm 138:8

 

‘Last October 14, 2014, naka – schedule ako ng operation sa gallbladder. Nang oras na yun, napanghihinaan ako ng loob kaya’t naisipan kong mag – text sa The 700 Club Asia. Maya – maya, nakatanggap ako ng tawag at ipinag – pray ako. Sabi ng kausap ko, sasamahan ako ng Panginoon at nang oras ding iyon pumanatag ang kalooban ko. Nakatulog ako ng mahimbing. Kinabukasan, sinimulan ang operasyon sa akin. Naging matagumpay naman iyon at ngayon nakaka-recover na ako mula sa aking operation. Maraming salamat sa ating Panginoon!’

Alex Karahang

Manila

 

 ‘Nagpapasalamat ako sa Panginoon! Last Thursday, tumawag ako sa Prayer Center upang ipanalangin ang pag – punta ko sa Australia para makapag – aral. Hiniling ko din na magkaroon ako ng part – time job doon. Thank God dahil matutuloy na akong pumunta sa Australia, at kasama ang asawa ko! Bukod pa doon, noong Friday, last day ko sa work, sinabihan ako ng supervisor ko na malaki ang posibilidad na makapag – part – time job ako sa company na naka – base sa Australia.’

Menard Butac

Guadalupe, Makati City

 

 ‘Nagpapasalamat ako sa ating Panginoon sa katugunan sa aking panalangin! Last December 6, 2014, ipanalangin ang aking anak na makapasa sa entrance exam sa Arellano University. Hindi siya nakapag – enroll agad noong second sem sa Lyceum kaya nag-try s’yang mag – exam sa Arellano University. Mahirap daw ang exam pero salamat sa Diyos dahil nakapasa siya at maipagpapatuloy na niya ang pag – aaral ng law. Masasabi ko na marami na ngang tinugon ang Panginoon sa aking mga panalangin.’

Angie Catigan

Carson, California, USA

 

 Would you like us to pray for you, too?

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s