He Cares About You

Give all your worries and cares to God...

‘Isang araw ng taon 2013, bigla akong nakaramdam ng pagsakit ng aking kaliwang dibdib, yung sakit na hindi parte ng buwanang dalaw. At may nakapa akong maliit na bukol. Habang dumadaan ang araw ay patuloy ito sa pagsakit, may mga panahon pa na naiiyak ako sa sobrang sakit.

Mga isang linggo bago ko naramdaman ang sakit, ang pinsan kong na-diagnose ng stage 2 breast cancer ay in-operahan. Ayon sa kanya, isang linggo mula ng manakit at may makapa siyang bukol sa kanyang dibdib, agad siyang nagpa-check up at doon niya nalamang may cancer siya.

Nang maalala ko ito, nakaramdam ako ng sobrang takot. Maaring mangyari sa akin yung nangyari sa kanya! Ngunit takot akong magpatingin sa doctor. Kaya nagpunta ako sa aking nanay at nagpa-pray over. Medyo nawala ang pananakit ngunit nandun pa din ang bukol. Dahil sagradong Katoliko sya, pinayuhan niya akong mag-novena kay Padre Pio. Ngunit ang puso ko ay may takot pa din at patuloy pa rin ang pananakit.

Nakakapanood na ako ng The 700 Club Asia. Naisip ko, bakit hindi ko subukang humingi ng prayer. At dahil wala kaming landline, naisipan ko na lang mag-email. Sumagot agad kinagabihan ang Prayer Center. Dumalangin ako at nakaramdam ako ng kapayapaan, na ang Diyos ang bahala sa akin. Purihin ang Diyos!

Dalawang araw matapos kong mag-email, nagising akong wala na ang sakit at bukol sa aking kaliwang dibdib. Salamat sa Diyos! Tunay nga na Siya ang Dakilang Manggagamot! At walang imposible sa mga taong nanalig sa Kanya. Sa Kanya ang papuri at pasasalamat!’

 

‘Mula po ng makilala at tanggapin ko si Hesus bilang aking personal na Panginoon at Tagapagligtas, unti-unti Niyang inaayos ang aking buhay. Araw-araw ay nararamdaman ko ang Kanyang pagmamahal at pagkilos sa aking buhay sa iba’t-ibang paraan. Patuloy Niya akong hinuhubog na maging kawangis Niya.’

 ~ Anna Liza T. Rodriguez

Manila Faith Assembly of God

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s